Sinabi ni Press Undersecretary Roberto Capco na hindi pa kailangan sa kasalukuyan ang emergency powers dahil sapat na aniya ang kasalukuyang kapangyarihan ng Pangulo.
Ayon kay Capco, kontrolado ng pamahalaan ang sitwasyon at nakalatag na ang contigency measures ng PNP at ng mga lokal na opisyal para mapigilan ang mga karahasan.
Reaksiyon ito ng Malacañang sa panukala ni House Deputy Speaker for Visayas Raul Gonzales na nakatakdang maghain ng resolusyon upang bigyan ng emergency powers ang Pangulo para mapigilan ang mga karahasan tulad na nangyari sa pambobomba sa dalawang shopping mall sa Zamboanga City at bus sa EDSA, Balintawak. (Ulat ni Ely Saludar)