^

Bansa

Malacañang ibinasura ang panukalang emergency powers

-
Tinanggihan ng Malacañang ang panukalang bigyan ng emergency powers si Pangulong Arroyo kaugnay ng serye ng karahasan sa bansa.

Sinabi ni Press Undersecretary Roberto Capco na hindi pa kailangan sa kasalukuyan ang emergency powers dahil sapat na aniya ang kasalukuyang kapangyarihan ng Pangulo.

Ayon kay Capco, kontrolado ng pamahalaan ang sitwasyon at nakalatag na ang contigency measures ng PNP at ng mga lokal na opisyal para mapigilan ang mga karahasan.

Reaksiyon ito ng Malacañang sa panukala ni House Deputy Speaker for Visayas Raul Gonzales na nakatakdang maghain ng resolusyon upang bigyan ng emergency powers ang Pangulo para mapigilan ang mga karahasan tulad na nangyari sa pambobomba sa dalawang shopping mall sa Zamboanga City at bus sa EDSA, Balintawak. (Ulat ni Ely Saludar)

vuukle comment

AYON

BALINTAWAK

ELY SALUDAR

HOUSE DEPUTY SPEAKER

MALACA

PANGULO

PANGULONG ARROYO

PRESS UNDERSECRETARY ROBERTO CAPCO

VISAYAS RAUL GONZALES

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with