Cellphone ginamit sa Edsa bombing
October 20, 2002 | 12:00am
Naka-sentro ngayon ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa isang cellphone na hinihinalang ginamit ng isang suicide bomber sa pagpapasabog sa isang bumibiyaheng bus sa Edsa, Balintawak, Quezon City kamakalawa ng gabi.
Sa isang follow-up operation, pinag-aaralan ang posibilidad na ginamitan ng cellular phone ang naturang bomba dahil may nakita umanong sabug-sabog na bahagi ng cellphone sa isang bag matapos ang insidente.
Sa panayam sa isa sa mga sugatang pasahero na nakilalang si Helen Peral, dalawang lalaki ang bumaba sa bus bago naganap ang pagsabog at nakarinig siya ng ring ng cellphone sa bandang hulihan ng bus at kasunod nito ay isang malakas na pagsabog.
Ayon sa Central Police District (CPD), maaring kasama sa dalawa kataong namatay ang sinasabing suicide bomber.
Wasak na wasak ang katawan ng dalawang lalaki na magkatabing nakaupo sa likurang, kaliwang bahagi ng bus. Nakayukyuk, putol ang katawan at kamay ng isa, habang ang isa na nasa tabi ng bintana ay tanggal din ang kamay at nakalaylay ang leeg sa bintana.
Unang inakala na tatlo katao ang namatay matapos makakita ng putol na katawan, subalit ng dumating ang scene of the crime operatives ay napag-alaman na isa sa mga biktima ay nahati sa dalawa.
Anila, hindi isasapalaran ng sinumang sibilyan ang kanyang buhay kung hindi ito suicide bomber at nais maghasik ng karahasan sa Metro Manila.
Samantala, ayon naman kay Chief Insp. Rodolfo Jaraza ng District Police Intelligence Unit, ang bombang ginamit sa pagpapasabog sa Golden Highway Transit bus ay katulad ng ginamit sa LRT bombing noong Rizal Day.
Itoy bunga na rin ng lakas ng impact ng pagsabog nito kung saan umaabot sa 50 metro ang layo ng inabot ng mga bubog at iba pang piraso ng sasakyan ng sumabog ito.
Sinabi ni CPD spokesman, Chief Insp. Bart Bustamante na kasama sa kanilang minamanmanan ang New Peoples Army (NPA) at Muslim secessionists na kinabibilangan ng MILF, MNLF at Abu Sayyaf Group.
Sa kasalukuyan ay tinututukan ng intelligence division ng CPD ang galaw ng mga organisadong grupo na posibleng may kagagawan sa pagsabog.
Iginiit naman ni CPD director Sr. Supt. Napoleon Casto na mga leftist group lamang ang may kakayahan na gumawa ng karahasan at mga improvised bomb na tulad ng ginamit sa mga nakaraang pagsabog.
Nagpalabas kahapon ang PNP ng cartographic sketch ng suspek sa naganap na pambobomba sa isang bus sa Balintawak.
Inilarawan ito sa taas na 52", nasa pagitan ng 22-25 anyos at may katamtamang pangangatawan.
Natukoy ang suspek base sa paglalarawan ng ilang bystander at mga pasahero na nakasaksi sa pangyayari.
Pinakilos na ng AFP ang elite anti-terrorist task force nito upang tumulong sa puwersa ng PNP matapos ang naganap na bus bombing sa Balintawak, QC.
Sinabi ni AFP Public Information Office chief, Lt. Col. Danilo Servando, ang counter-terrorist task force ng militar na aabot sa 1,500 ay binubuo ng mga specialized units ng lahat ng sangay ng AFP kabilang ang Armys Special Operations Command, ang 710th Special Operations Wing ng Air Force at ang Special Warfare Group ng Navy.
Tahasang sinabi ni Press Undersecretary Bobby Capco na walang basehan ang hinala ng Kilusang Mayo Uno (KMU) na may naaamoy silang paghahanda sa deklarasyon ng state of emergency.
Sinabi ni Capco na mayroong sapat na kakayahan ang gobyerno na masawata ang mga banta ng terorismo na inihahasik sa isipan ng mamamayan.
Ang posibilidad na deklarasyon ng state of emergency ay inalerto sa publiko ng KMU sa isang ipinalabas na press release na nagsasaad na hindi maiaalis na ang serye ng pagpapasabog ay maaring kagagawan din ng militar.
Sinabi ng KMU na ang motibo ay makalikha ng sindak at takot sa mamamayan para mapabilis ang pagpapatibay ng anti-terrorism bill at national ID system.
Kabilang pa sa mga binanggit ng KMU na mga tanda ng batas militar ay ang ipatutupad na curfew sa siyudad ng Maynila, pagpapatupad ng alert level sa mga sundalo at pulis at pagtatatag ng anti-terrorism squad. (Ulat nina Doris France, Joy Cantos at Lilia Tolentino)
Sa isang follow-up operation, pinag-aaralan ang posibilidad na ginamitan ng cellular phone ang naturang bomba dahil may nakita umanong sabug-sabog na bahagi ng cellphone sa isang bag matapos ang insidente.
Sa panayam sa isa sa mga sugatang pasahero na nakilalang si Helen Peral, dalawang lalaki ang bumaba sa bus bago naganap ang pagsabog at nakarinig siya ng ring ng cellphone sa bandang hulihan ng bus at kasunod nito ay isang malakas na pagsabog.
Ayon sa Central Police District (CPD), maaring kasama sa dalawa kataong namatay ang sinasabing suicide bomber.
Wasak na wasak ang katawan ng dalawang lalaki na magkatabing nakaupo sa likurang, kaliwang bahagi ng bus. Nakayukyuk, putol ang katawan at kamay ng isa, habang ang isa na nasa tabi ng bintana ay tanggal din ang kamay at nakalaylay ang leeg sa bintana.
Unang inakala na tatlo katao ang namatay matapos makakita ng putol na katawan, subalit ng dumating ang scene of the crime operatives ay napag-alaman na isa sa mga biktima ay nahati sa dalawa.
Anila, hindi isasapalaran ng sinumang sibilyan ang kanyang buhay kung hindi ito suicide bomber at nais maghasik ng karahasan sa Metro Manila.
Samantala, ayon naman kay Chief Insp. Rodolfo Jaraza ng District Police Intelligence Unit, ang bombang ginamit sa pagpapasabog sa Golden Highway Transit bus ay katulad ng ginamit sa LRT bombing noong Rizal Day.
Itoy bunga na rin ng lakas ng impact ng pagsabog nito kung saan umaabot sa 50 metro ang layo ng inabot ng mga bubog at iba pang piraso ng sasakyan ng sumabog ito.
Sinabi ni CPD spokesman, Chief Insp. Bart Bustamante na kasama sa kanilang minamanmanan ang New Peoples Army (NPA) at Muslim secessionists na kinabibilangan ng MILF, MNLF at Abu Sayyaf Group.
Sa kasalukuyan ay tinututukan ng intelligence division ng CPD ang galaw ng mga organisadong grupo na posibleng may kagagawan sa pagsabog.
Iginiit naman ni CPD director Sr. Supt. Napoleon Casto na mga leftist group lamang ang may kakayahan na gumawa ng karahasan at mga improvised bomb na tulad ng ginamit sa mga nakaraang pagsabog.
Inilarawan ito sa taas na 52", nasa pagitan ng 22-25 anyos at may katamtamang pangangatawan.
Natukoy ang suspek base sa paglalarawan ng ilang bystander at mga pasahero na nakasaksi sa pangyayari.
Sinabi ni AFP Public Information Office chief, Lt. Col. Danilo Servando, ang counter-terrorist task force ng militar na aabot sa 1,500 ay binubuo ng mga specialized units ng lahat ng sangay ng AFP kabilang ang Armys Special Operations Command, ang 710th Special Operations Wing ng Air Force at ang Special Warfare Group ng Navy.
Sinabi ni Capco na mayroong sapat na kakayahan ang gobyerno na masawata ang mga banta ng terorismo na inihahasik sa isipan ng mamamayan.
Ang posibilidad na deklarasyon ng state of emergency ay inalerto sa publiko ng KMU sa isang ipinalabas na press release na nagsasaad na hindi maiaalis na ang serye ng pagpapasabog ay maaring kagagawan din ng militar.
Sinabi ng KMU na ang motibo ay makalikha ng sindak at takot sa mamamayan para mapabilis ang pagpapatibay ng anti-terrorism bill at national ID system.
Kabilang pa sa mga binanggit ng KMU na mga tanda ng batas militar ay ang ipatutupad na curfew sa siyudad ng Maynila, pagpapatupad ng alert level sa mga sundalo at pulis at pagtatatag ng anti-terrorism squad. (Ulat nina Doris France, Joy Cantos at Lilia Tolentino)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest