Ito ang turing ng New Peoples Army (NPA) sa mga mapang-abusong huwes, mahistrado at mga piskal kayat nararapat lamang na "patahimikin" na ang mga ito.
Nakasaad sa isang liham na nagmula sa CPP-NPA ang kanilang pagkadismaya sa mga tinaguriang "hoodlums in robes" at "hoodlums in barongs" sa hanay ng mga hukom at piskal sa ibat ibang ahensiya ng pamahalaan sa bansa.
"We will assassinate and eliminate current justice, judges at fiscals who are traitors to the people. The betrayal done by these people, the denial of justice, the maltreatment of the poor, all this we will not tolerate," pahayag ng grupo.
Sa bandang ibaba ng liham ay naka-tatak ang communist sign na isang pulang karit at maso at nakasulat din ang grupong Benito Tesorio Command na siyang nakalagda sa sulat. (Ulat ni Gemma Amargo)