Layunin ng panukala na magkaroon ng isang integrated national railway system upang mas mapabuti ang transport system ng bansa sa pamamagitan ng tren.
Sa sandaling buwagin ang PNR at LRTA ay itatayo naman ang National Railway Authority na siyang papalit sa dalawang ahensiya.
Lahat ng assets at trabaho ng PNR at LRTA ay ililipat sa NRA.
Nakasaad sa panukala na ang lahat ng kuwalipikadong empleyado ng PNR at LRTA ay sakop ng Civil Service Law ay ililipat sa NRA.
Subalit ang mga kasalukuyang empleyado ng dalawang bubuwaging ahensiya na hindi sakop ng Civil Service Law at hindi na re-appoint ay matatanggal sa serbisyo.
Inihayag ni Speaker Jose de Venecia na ang sabay-sabay na pagtatayo ng riles ng tren ay posibleng magsimula sa Enero para sa North Line na magmumula sa Maynila hanggang San Fernando, La Union. Ang nasabing riles ng tren ay dadaan sa Central Luzon provinces na kinabibilangan ng Bulacan, Pampanga, Tarlac at Pangasinan.
Ang South Line na magmumula rin sa Maynila ay aabot sa Sorsogon sa Bicol Region. (Ulat ni Malou Rongalerios-Escudero)