Libu-libong mga mamahaling damit tulad ng mga maborloloy na gown, barong, pantalon, polo shirt at ilang alahas ang inalis na sa museum ng Malacañang.
Dalawang container van at isang military truck ang humakot sa nasabing sangkaterbang gamit at nakatakdang imbentaryuhin ng Presidential Commission on Good Government (PCGG).
Inalis ang mga gamit dahil sa nakakasikip na umano ito sa museum at upang pagbigyan naman ang iba pang kagamitan ng mga dating pangulo ng bansa.
Pero, ayon sa ilang impormante, ito ay pampaalis malas daw kaugnay ng napaulat na pagpapasailalim sa punsoy at exorcise sa Palasyo.
Agad naman itong pinabulaanan ni Press Secretary Ignacio Bunye at sinabing nais na ng PCGG na kunin ang mga ito kaya ibinigay ng Malacañang. (Ulat ni Ely Saludar)