^

Bansa

'Active ang sex life ko' – GMA

-
Sa kabila ng labis na kaabalahan bilang Pangulo ng bansa ay nanatiling aktibo ang sex life ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Ito ay makaraang sagutin ni GMA ng "plenty" ang isang katanungan mula sa isang foreign press sa isinagawang forum kahapon ng Foreign Correspondents Association of the Philippines (FOCAP).

"Tiyak na headline na naman ito bukas" bulalas ni GMA sa gulat na gulat na foreign media sa napaka-sport na sagot ng Pangulo.

Sinabi din ni GMA na hindi niya kailanman kinakalimutan ang bilin ng kaniyang ama na si dating Pangulong Diosdado Macapagal.

"Bilang isang public servant dapat ay ang Panginoon ang priority mo, ikalawa ang iyong bayan at ikatlo ang pamilya," pahayag nito.

Mabilis ding tinugon ng 55-anyos na si GMA ang tanong kung mayroon pa siyang panahon sa kaniyang kabiyak na si First Gentlemen (FG) Jose Miguel ‘Mike’ Arroyo.

Ayon kay GMA ay bahagi ng pamilya ang kaniyang kabiyak kaya naman hindi niya nakakalimutan ang tungkulin dito bilang may-bahay.

Tinukoy din ni GMA ang kaniyang nasirang ama na pinagmanahan niya ng kaniyang genes, dahilan para manatili magmukhang bata sa kabila ng kawalan nito ng anumang beauty secret.

Hindi naman nagpahuli si FG sa isyu ng kanilang sex-life ng Pangulo makaraang game nitong tinugon ang tanong na ipinadaan sa text habang sumasailalim sa medical tests sa St. Lukes.

Ani FG..." dahil medyo may edad na kami kaya tatlong beses na lang isang araw."

Si FG ay nagkaroon ng ‘hairline’ fracture sa ribs habang nagsi-surfing noong isang linggo. (Ulat ni Lilia Tolentino)

AYON

FIRST GENTLEMEN

FOREIGN CORRESPONDENTS ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

JOSE MIGUEL

LILIA TOLENTINO

PANGULO

PANGULONG DIOSDADO MACAPAGAL

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

ST. LUKES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with