Ayon kay Alex Maraan, director ng NWPB-NCR, hindi pa nag-lapse ang naisagawang pagtataas sa suweldo noong Nob. 9, 2001 na ibinigay sa pamamagitan ng P30 cost of living allowance (COLA) kaya hindi pa maaaring talakayin ang panibagong salary adjustment.
Gayunman, nilinaw ni Maraan na kung mayroong petisyon hinggil dito ay puwede itong pag-usapan pero tatagal naman ng 3 buwan ang pagrerepaso dahil dadaan ito sa tamang proseso.
Iginiit din ni Labor Secretary Patricia Sto. Tomas na hindi maaaring magtaas ng 2 beses sa suweldo sa loob ng isang taon dahil ang pagbabasehan ay ang takbo ng ekonomiya. Malinaw anya na hindi maganda ang takbo ng ekonomiya ng Pilipinas dahil sa nakaambang giyera sa pagitan ng Amerika at Iraq. (Ulat ni Jhay Quejada)