Bilyong piso tutubuin sa privatization ng NFA ?
October 4, 2002 | 12:00am
Walang kinalaman sa bigas kundi bilyong pisong halaga ng tutubuin ang nasa likod ng napipintong pagsasapribado ng National Food Authority (NFA).
Ito ang tahasang sinabi kahapon ng mga union official ng NFA na hindi nagpabanggit ng pangalan kaugnay sa binabalak na pagsasapribado ng NFA.
Sa nagkakaisang pahayag ng mga unyonista, ang nasabing pagbebenta ng mga lupa na pag-aari ng NFA ay hindi umano upang maisaayos ang ahensiya bagkus ay dahilan lamang upang kumita ang isang Cabinet member na tumangging tukuyin nila.
"The privatization of the NFA will not have anything to do with rice or making the NFA more efficient. This cabinet member is bent on profiting from one of the biggest real estate deals ever," ayon sa isang opisyal ng unyon.
Gayunman, hindi pa rin tuluyang maitulak ang nasabing hakbang dahil na rin sa malawakang pagbatikos ng mga empleyado ng NFA at mga magsasaka.
Lumalabas na umaabot sa 1,000 ektarya ng lupa ng NFA ang sinasabing nakakalat sa bansa na tinatayang aabot sa halagang P100 bilyon. May 30 ektarya ng NFA compound sa Cabanatuan, 30 hectare complex sa Valenzuela at 1.2 hectare sa Visayas Ave. sa QC ang kasama sa auctioned sa ilalim ng privatization scheme. (Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest