^

Bansa

Mahistrado, hukom bibigyan na ng bodyguard

-
Siniguro sa Korte Suprema ng Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) na pagkakalooban ng kaukulang seguridad ang lahat ng mga mahistrado at hukom sa buong bansa matapos ang pagkakapaslang kay Pangasinan Judge Oscar Uson.

Ito ang tiniyak kahapon nina PNP chief Hermogenes Ebdane at NBI director Reynaldo Wycoco matapos magpatawag ng pulong si acting Chief Justice Josue Bellosillo.

Nagkasundo ang nasabing mga opisyal na magtutulungan upang matiyak ang kaligtasan ng bawat opisyal ng hudikatura laban sa mga pananakot at karahasan katulad ng nangyari kay Judge Uson ng Tayug Regional Trial Court sa lalawigan ng Pangasinan.

Matatandaan na si Uson ay pinagbabaril hanggang sa mapatay noong Sabado matapos umano itong magpalabas ng hatol na hindi pabor sa ilang tao o personalidad.

Nabatid na ipinatawag ni Bellosillo ang dalawang opisyal dahil sa pangamba na maraming huwes ang nabibingit ang buhay dulot ng kanilang mga desisyon na hindi pumapabor sa kagustuhan ng ilang partido sa kaso.

Kabilang sa napagkasunduan ang pagbibigay ng security personnel sa oras na kailangan ng isang judge o justice na mayroong natatanggap na death threats.

Bukod pa dito ang pagbibigay ng telephone numbers ng PNP at NBI officials na maaaring tawagan ng isang huwes sa oras na nanganganib ang kanyang buhay.

Tiniyak naman ni Wycoco na nakahanda ang kanyang tanggapan na tumulong sa paglutas sa pagpatay kay Uson upang papanagutin ang mga salarin nito sa lalong madaling panahon. (Ulat ni Gemma Amargo)

CHIEF JUSTICE JOSUE BELLOSILLO

GEMMA AMARGO

HERMOGENES EBDANE

JUDGE USON

KORTE SUPREMA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PANGASINAN JUDGE OSCAR USON

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

REYNALDO WYCOCO

TAYUG REGIONAL TRIAL COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with