^

Bansa

Bitay sa sex cult leader

-
Nanawagan kahapon ang mga senador sa National Bureau of Investigation (NBI) na madaliin ang pag-aresto sa sex cult leader na si Leonardo Erobas upang masampahan ng kasong statutory rape na may katumbas na parusang kamatayan.

Sinabi ni Sen. Francis Pangilinan na dahil puro menor de edad ang binibiktima ni Erobas, angkop ang kasong statutory rape.

Ayon kay Pangilinan, kahit may nagsasabing sira-ulo ang naturang lider ng Espedeject Ideology ay hindi dapat maging daan ito upang hindi siya makasuhan at korte lamang ang magsasabi kung talagang may diperensiya nga ito sa pag-iisip.

Ayon naman kay Sen. Robert Jaworski, ang pagkabigo ng NBI at PNP na muling maaresto si Erobas ay maglalagay sa pangamba sa mga kabataang babae sa Villadolid, Negros Occidental upang ma-recruit ang mga ito sa nasabing kulto at ibulid sa maagang kamunduhan.

Wika ni Jaworski, hindi dapat mag-aksaya ng oras ang NBI at PNP na madakip si Erobas na kung matatandaan ay nakatakas makaraang kuyugin ng taumbayan kamakailan matapos maaresto ng lokal na pulisya sa nasabing lalawigan.

Ipinaliwanag pa ng mambabatas, dapat ay hindi magpaloko ang taumbayan sa pangungumbinsi ni Erobas na ang sex cult nito ang sagot upang maging ligtas sa 2nd coming ni Kristo na magaganap umano sa Negros.

Matatandaan na pinadalhan ng imbitasyon ni Erobas ang mga mambabatas upang sumapi sa kanyang kulto kung saan nakapaloob ang mga bold photos ng mga menor-de-edad na babae na nakikipagtalik sa matatandang lalaki na miyembro din ng sex cult.

Isinusulong din umano ng sex cult ni Erobas na maibalik ang mundo tulad ng pamumuhay nina Eva at Adan na namumuhay sa paraiso kung saan ang lahat ng tao sa mundo ay walang saplot at hindi na kinakailangan pang magtrabaho kundi puro sex na lang ang aatupagin. (Ulat ni Rudy Andal)

vuukle comment

ADAN

AYON

EROBAS

ESPEDEJECT IDEOLOGY

FRANCIS PANGILINAN

LEONARDO EROBAS

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NEGROS OCCIDENTAL

ROBERT JAWORSKI

RUDY ANDAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with