^

Bansa

Lahat ng opisyal ng PEA nagbakasyon na, isa nagbitiw

-
Agad na nagbakasyon ang limang matataas na opisyal ng Public Estates Authority (PEA) habang isa ang tuluyang nagbitiw bilang tugon sa utos ni Pangulong Arroyo na magpahinga muna ang mga ito upang magkaroon ng malayang imbestigasyon sa sinasabing maanomalyang bilyong pisong proyekto sa Diosdado Macapagal Blvd.

Pinangunahan ni PEA board member Jose Mari Gerochi ang pagbibitiw sa tungkulin habang nagpasyang magbakasyon muna ang mga opisyal ng PEA na pinangungunahan ni chairman Ernest Villareal at board members Rodolfo Tuazon, Angelito Villanueva, Martin Sanciego Jr. at Benjamin Carino.

Una nang inaprubahan ng Pangulo ang hiling na bakasyon ng whistleblower sa eskandalo na si PEA director Sulpicio Tagud Jr.

Pinagbabakasyon ni Pangulong Arroyo ang lahat ng opisyal ng PEA dahil nais ng Malacañang na maalis ang pagdududa sa publiko na maaaring magkaroon ng whitewash sa imbestigasyon sa gitna ng pagkakadawit kay Chief Presidential Legal Counsel Avelino Cruz sa pag-aapruba ng nasabing proyekto na sinasabing nagkaroon ng overpricing na P600 milyon. Si Cruz ang nagsilbing acting executive secretary.

Kasabay nito, inatasan din ng Pangulo si Cruz na huwag ng umeksena sa pag-iimbestiga sa ngalan ng delicadeza at sa halip ay ipinapadiretso na ng Pangulo sa Presidential Anti-Graft Commission ang pagsisiyasat sa kaso. (Ulat ni Ely Saludar)

ANGELITO VILLANUEVA

BENJAMIN CARINO

CHIEF PRESIDENTIAL LEGAL COUNSEL AVELINO CRUZ

DIOSDADO MACAPAGAL BLVD

ELY SALUDAR

ERNEST VILLAREAL

JOSE MARI GEROCHI

MARTIN SANCIEGO JR.

PANGULO

PANGULONG ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with