'Tried and tested formula' di dapat ipagyabang
September 19, 2002 | 12:00am
Hindi dapat ipagyabang ng pamahalaang Arroyo at PNP ang sinasabi nitong "tried and tested formula" na ginamit sa pagpapalaya sa dalawang anak ni Negros Occidental Rep. Jules Ledesma hanggat hindi nadadakip at nadudurog ang mga kidnapper.
Ayon sa isang mambabatas na tumangging magpabanggit ng pangalan, sa kabila na napakawalan ang dalawang anak ni Ledesma, wala ni isa sa mga kidnapper ang nadakip ng pulisya.
Nagpapatunay lamang aniya na ang naturang "TnT formula" ay hindi episyente sa pagresolba ng kidnapping sa bansa at tanging napatunayan lamang ng formula ay ang kaligtasan ng mga biktima sa pamamagitan ng pagbabayad ng ransom.
Kung ito umano ang ginagamit at gagamiting formula ng pulisya sa mga kidnapping incident ay magiging kawawa ang ating mga kababayan. (Ulat ni Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended