^

Bansa

Malaysians na nang-rape sa 13-anyos deportee kikilalanin

-
Kikilalanin na ng Department of Justice (DOJ) at ng dalawang abogado ng Malaysian ang dalawang jailguards at isang police officer na sinasabing gumahasa sa isang 13-anyos na dalagitang deportee na kasama sa mga pinabalik sa bansa mula sa Sandakan, Sabah, Malaysia.

Binigyang diin ni Chief State Prosecutor Jovencio Zuno na bumiyahe na kahapon sa Zamboanga City ang dalawang Malaysian lawyers para kunan ng pahayag ang nasabing rape victim. Tumulak din kahapon patungong Zamboanga sina Public Attorney’s Office chief, Atty. Persida Acosta at ang kinatawan ng Department of Foreign Affairs na si Atty. Angela Ponce.

Ayon sa DOJ, gusto nila na mismong ang Malaysian lawyers ang makarinig mula sa biktima kung ano ang mga pangalan at itsura ng Malaysian jailguards at police na tinutukoy ng bata na nang-rape sa kanya.

Kapag natukoy na ang mga suspek sa krimen ay agad silang makikipag-ugnayan sa pamahalaang Malaysia para makuha ang mga larawan ng mga ito mula sa Sandakan jail para sa pormal na paghaharap ng kasong kriminal. (Ulat ni Gemma Amargo)

ANGELA PONCE

AYON

CHIEF STATE PROSECUTOR JOVENCIO ZUNO

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

DEPARTMENT OF JUSTICE

GEMMA AMARGO

PERSIDA ACOSTA

PUBLIC ATTORNEY

SANDAKAN

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with