Ayon kay Ople, isinasaalang-alang ng Pilipinas ang epekto ng ganitong digmaan sa tinatayang isat kalahating milyon Pilipino na nagtatrabaho sa Middle East.
Si Ople ay dumadalo sa idinaraos ng UN General Assembly meeting sa New York.
Binigyang diin ni Ople na kung ipipilit ng US na giyerahin ang Iraq nang walang approval ang UN, hindi susuporta ang Pilipinas sa digmaang ito.
Naunang nagbabala si UN Secretary General Kofi Anan kay US President George Bush na huwag ituloy ang planong pag-atake sa Iraq.
Pero iginigiit ni Bush na kung hindi mapipigilan ang Iraq sa pagsasagawa ng mga weapons for mass destruction, mapipilitan ang US at mga kaalyado nitong bansa na gumawa ng marahas na hakbang. (Ulat ni Ellen Fernando)