^

Bansa

RP di susuporta sa US war vs Iraq kung walang bendisyon ang UN

-
Inihayag kahapon ni Foreign Affairs Secretary Blas Ople na hindi susuporta ang Pilipinas sa pakikidigma ng Estados Unidos sa Iraq kung ito’y walang bendisyon ng United Nations Security Council.

Ayon kay Ople, isinasaalang-alang ng Pilipinas ang epekto ng ganitong digmaan sa tinatayang isa’t kalahating milyon Pilipino na nagtatrabaho sa Middle East.

Si Ople ay dumadalo sa idinaraos ng UN General Assembly meeting sa New York.

Binigyang diin ni Ople na kung ipipilit ng US na giyerahin ang Iraq nang walang approval ang UN, hindi susuporta ang Pilipinas sa digmaang ito.

Naunang nagbabala si UN Secretary General Kofi Anan kay US President George Bush na huwag ituloy ang planong pag-atake sa Iraq.

Pero iginigiit ni Bush na kung hindi mapipigilan ang Iraq sa pagsasagawa ng mga weapons for mass destruction, mapipilitan ang US at mga kaalyado nitong bansa na gumawa ng marahas na hakbang. (Ulat ni Ellen Fernando)

ELLEN FERNANDO

ESTADOS UNIDOS

FOREIGN AFFAIRS SECRETARY BLAS OPLE

GENERAL ASSEMBLY

MIDDLE EAST

NEW YORK

OPLE

PILIPINAS

PRESIDENT GEORGE BUSH

SECRETARY GENERAL KOFI ANAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with