Compañero may virus

Dinapuan umano ng virus sa tiyan si Senador Renato Cayetano kaya mahabang panahon na itong hindi nakakadalo sa sesyon ng Senado.

Sa pahayag ng kanyang anak na si Taguig-Pateros Rep. Allan Peter Cayetano, nilinaw ng kongresista na bagaman may sakit ang kanyang ama ay hindi naman umano ito malala tulad ng naglalabasang balita na nagtataglay ito ng sakit na cancer at delikado na ang kalagayan.

May isang buwan na umanong absent sa sesyon sa Senado si Cayetano partikular na sa Senate power committee simula ng magkasakit. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments