^

Bansa

Pinoy no. 1 sa pagsira ng kalikasan ?

-
Numero uno na nga ba ang Pilipino kung paninira ng kapaligiran at kalikasan ang pag-uusapan?

Ito ang di naiwasang itanong kahapon ni Senate Majority Leader Loren Legarda-Leviste matapos mapagkasunduan ng mga siyentipiko sa librong Hotspots: Earth’s Biologically Richest and Most Endangered Terrestial Ecoregions, na no.1 ang Pilipinas pagdating sa pagkasira ng tinatawag nilang biodiversity.

Ayon kay Loren, isa na namang sampal ito sa mga Pilipino lalo na’t noong Agosto ay ibinulgar niya ang report ng United National Environmental Program (UNEP) na nangunguna ang Pilipinas sa buong mundo pagdating sa pagkasira ng coral reef sa baybaying dagat.

Ang biodiversity ay tumutukoy sa kaayusan ng maraming elemento ng kalikasan na siyang sumusustena sa buhay ng maraming uri ng halaman at hayop.

Pinuna ni Legarda na sa dalawang blackeye na inabot ng Pilipinas, hindi siya magtataka kung mabansagan ang mga Pilipino bilang pinaka-walang pakialam sa kapaligiran. (Ulat ni Rudy Andal)

AGOSTO

AYON

BIOLOGICALLY RICHEST AND MOST ENDANGERED TERRESTIAL ECOREGIONS

HOTSPOTS

PILIPINAS

PILIPINO

RUDY ANDAL

SENATE MAJORITY LEADER LOREN LEGARDA-LEVISTE

UNITED NATIONAL ENVIRONMENTAL PROGRAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with