^

Bansa

Roco maagang namumulitika

-
Inakusahan ng Malacañang na maagang namumulitika si dating Education secretary Raul Roco kaugnay ng akusasyon nito laban kay Pangulong Arroyo sa isyu ng posters.

Iginiit ni Presidential Adviser on Political Affairs Jose Rufino na walang nilabag na batas ang Pangulo sa mga poster.

Mga donasyon sa pribadong indibidwal ang nasabing poster kung saan walang pinirmahang resibo ang Pangulo at walang batas na nagbabawal dito.

Ipinaliwanag ni Rufino na kusang loob na ipinagawa ang mga poster ng mga tagasuporta ng Presidente at sila na rin ang nagpakalat.

Sa halip, iginiit ni Rufino na si Roco ang siyang lumabag sa batas dahil ang ginastos sa ipinagawa nitong poster ay pondo ng taumbayan.

Hindi na umano dapat pang magmalinis si Roco at harapin na lamang nito ang isinasagawang imbestigasyon ng Presidential Anti-Graft Commission.

Kasabay nito, tinalikuran na ng mga gobernador ng rehiyon ng Bicol ang kanilang kababayang si Roco sa 2004 presidential elections at idineklara ang kanilang buong suporta sa Pangulo.

Inihayag ng anim na gobernador sa kanilang pakikipagpulong sa Pangulo na wala silang bilib kay Roco para maging presidente ng bansa. (Ulat ni Ely Saludar)

BICOL

ELY SALUDAR

PANGULO

PANGULONG ARROYO

POLITICAL AFFAIRS JOSE RUFINO

PRESIDENTIAL ADVISER

PRESIDENTIAL ANTI-GRAFT COMMISSION

RAUL ROCO

ROCO

RUFINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with