Sa isang presscon kagabi sa Department of Foreign Affairs (DFA), sinabi ni DFA Secretary Blas Ople na naghain ng pangalawang diplomatic protest ang Pilipinas laban sa Malaysia matapos magreklamo ang 13-anyos na batang Nabatid na nagsagawa ng case study ang DSWD matapos magreklamo ang biktima at base sa pag-aaral, napatunayan na inabuso ang dalagitang deportee na naging daan para magkaroon ng matibay na dahilan para umaksiyon ang pamahalaan.
Sinabi ni Ople na nagpahayag na rin si Pangulong Arroyo ng kanyang pagkondena sa sinapit ng batang babae sa kamay ng pulis ng Kota Kinabalu.
Hiniling ng Pangulo kay Malaysian Prime Minister Mahathir Mohamad na magsagawa ng "swift prosecution" laban sa suspek sa pang-aabuso sa bata.
"I express my personal outrage and that of the Filipino people and which I am sure you will also condemn in the strongest terms," pahayag ng Pangulo sa kanyang liham kay Mahathir.
Hiniling rin ng pamahalaan na agad papanagutin at pagbayarin ang taong responsable sa panghahalay sa naturang biktima.
Sa kasalukuyan ay hinihintay pa rin ng pamahalaan ang sagot ng Malaysia hinggil sa unang protesta sa pagmamaltrato sa libu-libong Pinoy deportees. (Ulat ni Ellen Fernando)