Nani ikakampanya si Alma for mayor
September 3, 2002 | 12:00am
Matapos amining may paghanga siya kay Alma Moreno, nagpahayag naman si Justice Secretary Hernando Perez ng pagsuporta sa kandidatura ng aktres sa sandaling pumasok ito sa pulitika at tumakbo bilang mayor ng Parañaque.
Ayon sa kalihim ng DOJ at spokesman ng Lakas-NUCD, handa silang tanggapin si Alma bilang isa sa mga kandidato sa lokal na posisyon sa nasabing lungsod bagaman hindi pa ito pormal na nanunumpa sa ilalim ng partido ng administrasyon dahil wala naman itong puwesto sa gobyerno ngayon.
"Si Alma dahil wala namang katungkulan kaya shes not formally inducted sa Lakas, pero puwede namin siyang tanggapin sa Lakas," ayon kay Perez.
Kaugnay nito, inamin din ni Perez na nagtungo kamakailan sa kanyang tanggapan si Parañaque Rep. Eduardo Zialcita upang ipaalam sa kanya ang plano ni Alma na pumasok sa partido ng Lakas-NUCD upang tumakbo sa pagka-alkalde sa sandaling bumaba sa puwesto ang kanyang mister na si Mayor Joey Marquez dahil last term na niya ito.
Subalit nilinaw ni Zialcita kay Perez na kinukumbinsi nila si Alma na tumakbo na lamang bilang bise-alkalde dahil mabigat ang kanyang magiging katunggali sa pagka-alkalde sa 2004 kabilang dito sina dating Parañaque mayor Pablo Olivarez at Vice Mayor Florencio Bernabe, Jr.
Sinabi pa ni Perez na walang umiiral na equity of the incumbent sa magiging halalan sa pagka-alkalde sa Parañaque sa darating na 2004 dahil ito ay last term na ni Joey kaya nangangahulugan lamang na libre na ang naturang lungsod pagdating sa mga kandidato at bahala ang liderato ng Lakas-NUCD kung sino ang kuwalipikado at kanilang pipiliin na suportahan sa darating na eleksiyon.
Matatandaan na inamin kamakailan ni Perez na mayroon siyang paghanga kay Alma dahil sa taglay nitong kagandahan sa kabila ng nararanasang eskandalo sa kanyang personal na buhay, subalit pinabulaanan na nagpadala siya ng bulaklak sa aktres.
Ayon pa kay Perez, bukas ang kanyang tanggapan anumang oras kay Alma para sa paghingi ng anumang legal advice na nauna na nitong ginawa dulot ng nakabinbing annulment case nila ni Joey. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am