Ito ang sinabi umano ni FPJ kaugnay sa ginawang pag-angal ng prosecution sa napabalitang pagdiriwang niya ng kanyang birthday sa Veterans Memorial Medical Center kasama ang matalik na kaibigan.
Sinabi ni Estrada na naniniwala si Poe na walang masama sa kanyang pagdalaw kaya okey lang dito kahit makulong.
Matatandaang pinagpapaliwanag ni Assistant Ombudsman Dennis Villa Ignacio ang mga nakatalagang security ni Estrada at ang director ng ospital na si Dr. Liberatio Casison dahil sa ginawang party ni FPJ sa VMMC.
Ani Villa Ignacio, dapat alalahanin ng mga taong nagdaos ng party na hindi lamang si Estrada ang pasyente sa VMMC.
Isa aniyang pampublikong lugar ang Veterans kaya hindi makatuwirang magkaroon ng pribadong party lalot nahaharap ang mga akusadong Estrada sa P4.1 bilyong plunder case.
Dumalo sa party ni FPJ sa Veterans sina Senators Loi Ejercito, Vicente Sotto III, Panfilo Lacson at ilang malalapit na kaibigan ng dating pangulo.
Kaugnay nito, naniniwala si Estrada na 90% mananalo ang kanyang kaibigan kung kakalabanin nito si Pangulong Arroyo.
Hanggang sa kasalukuyan ay kinukumbinsi pa umano niya itong tumakbo. (Ulat ni Malou Escudero)