Beach resorts iniiwasan ng mga turista dahil sa maruming CR
August 20, 2002 | 12:00am
Dahil sa kawalan ng malinis na mga comfort room at tubig kaya hindi na naeengganyong bumalik sa mga beach resort sa bansa ang mga turista.
Ito ang sinabi kahapon ni Iloilo Rep. Narciso Monfort kasabay ng panukala na huwag bigyan ng permisong makapagbukas ng beach resort ang sinuman hanggat wala itong maayos na CR at sanitary waterworks and sewerage system.
Walang ibang dapat sisihin ang Department of Tourism sa mababang bilang ng lokal at dayuhang turista sa bansa kundi mismo ang ipinagmamalaki nitong mga beach resort.
Sinabi ni Monfort na kahit anong gawing panghihika- yat ni Tourism Sec. Richard Gordon ay mawawalan ng silbi kung hindi naman kaiga-igayang puntahan ang mga ibinabanderang tourist destinations tulad ng beach.
Nadadala na aniyang bumalik ang ibang turista dahil sa kawalan ng sanitary facilities at malinis na tubig ng mga resort.
Wala man lang umanong mapagkukunan ng malinis na tubig na maipambabanlaw sa katawan ng mga naliligo sa dagat.
Marami sa mga taong nanggaling sa resorts ang nagrereklamo na kinakailangan pa nilang bumili ng mga overpriced bottled water para lamang may maipambuhos sila sa lagkit at kati ng katawan dulot ng alat ng dagat, sabi nito.
Ipinaliwanag ng kongresis-ta na dahil dito ay horror stories sa halip na magagandang karanasan ang naikukuwento nila sa kanilang mga kamag-anak o kakilala kaya sa halip na ma-eengganyo ang iba pa nawawalan na rin ng ganang pumunta sa mga beach resort.
Ipinanukala rin ni Monfort ang pagtatanggal ng license to operate ng mga resort owner na walang sanitary facilities at hindi pagbibigay nito sa mga magsisimula pa lamang at multang P50,000-P100,000 sa hindi susunod sa kautusan. (Ulat ni Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest