Pinoy deportees sa Malaysia, baka mahaluan ng terorista

Iniutos ng Malacañang ang paghihigpit sa pagpasok sa bansa ng mga Pilipinong deportees sa Malaysia upang matiyak na hindi malulusutan ng dayuhan o posibleng terorista. Ayon kay Press Secretary Ignacio Bunye, sasalaing mabuti ang mga bulto-bultong Pinoy mula sa Malaysia na pinababalik sa bansa partikular sa Mindanao matapos maalarma si Zamboanga City Mayor Maria Clara Lobregat na baka may makasingit na ibang nationalities na hindi Pilipino. (Ulat ni Ely Saludar)

Show comments