Bro. Mike idinawit sa plunder
August 9, 2002 | 12:00am
Bunga ng umanoy pagkakasangkot sa pandarambong sa bilyong pisong salapi ng gobyernno, pinagpapaliwanag ng Korte Suprema si El Shaddai leader Mariano "Bro. Mike" Velarde.
Base sa isang pahinang resolusyon ng SC en banc, inatasan nito na maghain si Velarde ng kanilang paliwanag sa loob ng 10 araw bunga ng kanilang pagkakadawit sa nasabing krimen.
Kabilang din sa sinampahan ng demanda sina dating pangulong Estrada, dating Ombudsman Aniano Desierto, Franklin Velarde, anak ni Bro. Mike; dating Metro Manila Development Authority (MMDA) general manager Roberto Nacianceno, dating DPWH secretary Gregorio Vigilar at dating executive secretary Ronaldo Zamora.
Nagsimula ang nasabing kaso matapos na maghain ng demanda si Atty. Ernesto Francisco dahil kumita umano ng malaking halaga ng salapi si Velarde sa pamamagitan ng pagbebenta nito ng kanyang lupain sa halagang higit na mataas kaysa umiiral na fair market value.
Hiniling naman ni Francisco na baligtarin ng SC ang naunang desisyon ng tanggapan ng Ombudsman kung saan ibinasura nito ang kasong plunder laban kina Velarde at Estrada.
Nabatid na ipinag-utos ni Estrada ang paglalagay ng extension sa coastal road project patungong C-5 road subalit tinamaan nito ang lote sa San Dionisio, Parañaque at kailangang bayaran ito ng gobyerno para sa right of way. Walong ektarya ng lupain ay pagmamay-ari ni Velarde sa pamamagitan ng AMVEL Land Corp. at ang iba pang bahagi naman ay sumailalim sa joint ventures.
Naglaan ang gobyerno sa pamamagitan ng PEA ng P1.2 bilyon matapos itong mangutang sa mga local at dayuhang bangko at binili ang lote ni Velarde sa halagang P15,355 kada metro kuwadrado subalit ito ay nabili lamang umano ni Velarde sa halagang P2,000.
Ayon kay Francisco, malinaw na nalugi ng malaking halaga ang gobyerno dulot ng nasabing bentahan kaya napilitan siyang magsampa ng kaso sa Ombudsman. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest