2 Pinay na nasawi sa Israel binigyan ng P.2-M ng OWWA
August 8, 2002 | 12:00am
Pinagkalooban ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ng tig- P 200,000 financial assistance ang pamilya ng dalawang Pinay na nasawi sa suicide bomb sa Israel.
Ayon kay Labor Secretary Patricia Sto. Tomas pinagkalooban ng Board of Trustees ng OWWA ang pamilya nina Adelina Cunanan, 37 at Rebecca Roga, 40.
Magugunita na noong nakalipas na linggo ang dalawang Pilipina ay kasama sa sampung nasawi sa pinasabog na bus sa nasabing bansa na kagagawan ng Hamas militant group.
Ang bangkay ng dalawa ay nakatakdang dumating bukas ng alas-7 ng gabi sa Ninoy Aquino International Airport lulan ng Luthansa Airlines flight LH-744 mula sa Tel Aviv, Israel via Frankfurt. (Ulat nina Jhay Mejias, Butch Quejada at Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended