^

Bansa

Senado may bomb threat

-
Umiral ang tensyon sa gusali ng senado matapos makatanggap ito ng bomb threat kahapon ng umaga mula sa hindi nagpakilalang caller.

Ayon kay (Ret.) Gen. Jose Balajadia, Sergeant at Arms ng senado, bandang alas-8:30 ng umaga ng makatanggap ng tawag sa telepono si Pat Macam ng senate archives office.

Sinabi ni Macam,isang hindi nagpakilalang lalaki ang tumawag sa telepono at nagbantang sasabog sa loob lamang ng ilang minuto ang gusali ng senado dahil sa itinanim na bomba.

Kaagad nitong ipinabatid sa Office of the Sergeant at Arms ang nasabing pangyayari kaya humingi ng bomb squad sa Pasay City PNP si Gen. Balajadia.

Agad na iniutos nito sa mga kawani ng senado na pansamantalang lisanin ang buong gusali para makasiguro sa kaligtasan at upang masiyasat ng mga awtoridad.

Makalipas ang dalawang oras na pagsisiyasat ng pulisya gamit ang kanilang mga sniffing dogs ay walang nakitang bomba sa buong gusali at parking lot.

Natuklasan naman ni Gen. Balajadia na ang ginamit na telepono ng prank caller ay mula sa isang pay phone booth sa Better Living Subdivision, Parañaque City dahil may caller identification ang tinawagang opisina sa archives section. (Ulat ni Rudy Andal)

AYON

BALAJADIA

BETTER LIVING SUBDIVISION

JOSE BALAJADIA

KAAGAD

MACAM

OFFICE OF THE SERGEANT

PASAY CITY

PAT MACAM

RUDY ANDAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with