Batay sa dalawang pahinang resolusyon ng mga CA Justices, napagkasunduan ng mga ito na umapela kay Pangulong Gloria Macapagal- Arroyo at sa Judicial and Bar Council (JBC) na pumili sa kanilang hanay ang susunod na mga Associate Justices ng Supreme Court matapos magretiro sina Associates Justices Jose Melo at Sabino De Leon.
Sa 51 posisyon sa SC, 32 CA Justices dito ang lumagda sa naturang resolusyon na umano ay pawang nararamdaman ang demoralisasyon dahil sa palagiang pagpili ng Pangulo ng mga abugado na mabilis na nakakapasok sa Korte Suprema bilang mahistrado gayung kuwalipikado umano sila para sa bakanteng puwesto.
Maaalala na hinirang ng Pangulong Arroyo para maging miyembro ng SC ang dalawang abogado sa katauhan nina dating Presidential Legal Counsel Antonio Carpio at Presidential Chief of Staff Renato Corona. (Ulat ni Gemma Amargo)