^

Bansa

Nominasyon nina Desierto atbp haharangin ng CA Justices

-
Haharangin ng mayorya ng mga Associate Justices ng Court of Appeals (CA) ang nominasyon nina dating Ombudsman Aniano Desierto, Commission on Elections (Comelec) Chairman Alfredo Benipayo at Presidential Legal Counsel Adolf Azcuna para makapasok sa Supreme Court bilang susunod na mahistrado.

Batay sa dalawang pahinang resolusyon ng mga CA Justices, napagkasunduan ng mga ito na umapela kay Pangulong Gloria Macapagal- Arroyo at sa Judicial and Bar Council (JBC) na pumili sa kanilang hanay ang susunod na mga Associate Justices ng Supreme Court matapos magretiro sina Associates Justices Jose Melo at Sabino De Leon.

Sa 51 posisyon sa SC, 32 CA Justices dito ang lumagda sa naturang resolusyon na umano ay pawang nararamdaman ang demoralisasyon dahil sa palagiang pagpili ng Pangulo ng mga abugado na mabilis na nakakapasok sa Korte Suprema bilang mahistrado gayung kuwalipikado umano sila para sa bakanteng puwesto.

Maaalala na hinirang ng Pangulong Arroyo para maging miyembro ng SC ang dalawang abogado sa katauhan nina dating Presidential Legal Counsel Antonio Carpio at Presidential Chief of Staff Renato Corona. (Ulat ni Gemma Amargo)

ASSOCIATE JUSTICES

ASSOCIATES JUSTICES JOSE MELO

CHAIRMAN ALFREDO BENIPAYO

COURT OF APPEALS

GEMMA AMARGO

JUDICIAL AND BAR COUNCIL

KORTE SUPREMA

OMBUDSMAN ANIANO DESIERTO

PANGULONG ARROYO

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL

SUPREME COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with