^

Bansa

12 miyembro ng hold-up gang laglag sa PACER

-
Nakapagtala na naman ng panibagong tagumpay ang Police Anti-Crime and Emergency Response (PACER) nang matimbog ang 12 miyembro ng Sagada-Kalinga hold-up gang na nag-ooperate sa lalawigan ng Cordillera, Benguet, Pangasinan at La Union.

Iprinisinta kahapon kina Pangulong Arroyo at Interior and Local Government Secretary Jose Lina ni PNP Director General Hermogenes Ebdane sa Malacañang ang nasabing grupo na nakilalang sina John Malidom Jr., lider ng grupo; Heralde Bag-Ay ; Romeo Binoloc ; Alex Uvido; Jonathan Fokan; Nelson Bag-Ay; Peter Bocalen; Gilbert Balunsat; Edmund Boswal; David Pulacan; Aslo Ambonoc at Junel Balutoc.

Tinugis ng PRO Cordillera PACER at PRO 1 ang nasabing hold-up gang matapos na looban ng mga ito ang Salting Restaurant sa Marcos Highway sa Barangay Taloy Sur sa Tuba, Benguet noong Hulyo 30.

Nakakulimbat ng halagang P 4,000 cash sa restaurant ang grupo at

P 115,000 mula sa pasahero ng isang bus na pumarada sa harap ng restaurant.

Noong nakalipas na Huwebes at Sabado ay isa-isang nabitag ng PACER ang mga miyembro ng grupo sa magkakahiwalay na operasyon sa Urdaneta, Pangasinan; Pugo, La Union at Baguio City.

Dinagdag pa ni Ebdane na ang grupo ay responsable sa panghoholdap sa Jhonz Restaurant at Shell gasoline station sa Brgy. Taloy Sur, Tuba, Benguet noong Hunyo 23 at panghoholdap ng limang bangko sa Pangasinan at La Union. (Ulat nina Lilia Tolentino, Myds Supnad at Artemio Dumlao)

ALEX UVIDO

ARTEMIO DUMLAO

ASLO AMBONOC

BAGUIO CITY

BARANGAY TALOY SUR

BENGUET

DAVID PULACAN

DIRECTOR GENERAL HERMOGENES EBDANE

LA UNION

PANGASINAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with