Ito ang inihayag kahapon ni Press Secretary Ignacio Bunye,bagaman nilinaw niya itong paiimbestigahan para lang hindi na maulit ang nasabing pangyayari.
Ang pahayag ni Bunye ay kasunod ng panawagan ng ilang mambabatas na sibakin sa puwesto ng Pangulo si Press Undersecretary Roberto Capco na nagbibigay sa kanya ng maling impormasyon.
Gayunpaman, ipinagtanggol naman ni Capco ang kanyang pagkakamali sa pagsasabi na "wrong timing" lang ang nangyari sa ginawang pag-anunsyo ng Pangulo kaugnay sa gagawing pagsuko ni Marohombsar, dahil talaga naman susuko ito kaya lang ay nagbago ang isip nito. (Ulat ni Lilia Tolentino)