^

Bansa

Psywar tactics ng ASG na buhay pa si Sabaya dinedma ng AFP

-
Bahagi lamang umano ng disinformation drive ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) ang pagpapalutang ng mga balita na buhay na buhay pa ang spokesman nilang si Aldam Tilao alyas Abu Sabaya.

Ito ang naging pahayag ni AFP Spokesman Brig. Gen. Eduardo Purificacion bilang reaksyon sa napabalitang text messages umano ni Sabaya na nadiskubre sa cellphone ng napatay na lider ng Abu Suffia kidnap-for-ransom group na si Tungko Abdulraman alyas Commander Tropical noong nakaraang Huwebes.

Ipinababatid ni Sabaya sa kanyang text messages na siya ay nasa maayos na kalagayan at hinikayat nito si Commander Tropical na ipagpatuloy ang pakikipaglaban nito sa militar.

Kasabay nito,muli ring iginiit ni Purificacion ang buong paniniwala ng liderato ng AFP na patay na si Sabaya kasama ang ilan nitong tauhan matapos makasagupa ang mga elemento ng Special Warfare Group ng Phil. Navy sa baybayin ng Sibuco, Zamboanga del Norte noong Hunyo 21.

Binigyan diin pa ni Purificacion na ibig lamang manindak ng ASG kaya pinalalabas ng mga itong buhay pa si Sabaya para palitawin na malakas pa sila.

Sa kasalukuyan ay walang humpay ang ginagawang pagtugis ng tropa ng pamahalaan sa 50 pang nalalabing miyembro ng ASG na nagkukuta sa mga bulubunduking lugar ng Sulu at Basilan. (Ulat ni Joy Cantos)

ABU SABAYA

ABU SAYYAF GROUP

ABU SUFFIA

ALDAM TILAO

COMMANDER TROPICAL

EDUARDO PURIFICACION

JOY CANTOS

PURIFICACION

SABAYA

SPECIAL WARFARE GROUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with