Kasabay nang pag-amin ni Nantes ay nagbabala ito sa mga smugglers ng ilegal na droga na lisanin na ang nasabing lalawigan dahil mas pinaigting ngayon ang kampanya ng pulisya laban sa mga sindikato ng droga.
Ang nahuling P1.7 milyong halaga ng cocaine at shabu sa bayan ng Infanta ay patunay aniya na hindi tumitigil ang pulisya upang mawala ang masamang imahe ng droga sa Quezon.
Magugunitang sa Quezon din naganap ang pinakamalaking drug buy-bust sa bansa kung saan nasangkot si Mayor Ronnie Mitra ng Panukulan na nasa isla ng Polilio. Si Mitra ay kasalukuyang nakadetine sa Camp Crame dahil sa nasabing kaso.
Sa ngayon aniya ay mas naging vigilante na ang mga residente ng probinsiya dahil naapektuhan na rin ng masamang balita ng ilegal na droga maging ang mga tourist destinations ng lalawigan.
Ayon naman sa isang source, sa mismong bayan ng Lucena ay lantaran na ang pagbebenta ng shabu sa ilang barangay na kinabibilangan ng Barangay IV, Cotta at Dalahican.
Sinabi ni Nantes na kung hindi makikipagtulungan ang lahat ng opisyales ng Quezon partikular ang mga mayors ay tuluyan ng magiging pugad ng illegal na droga ang lalawigan. (Ulat ni Malou Rongalerios-Escudero)