Uulan ng protesta sa SONA
July 22, 2002 | 12:00am
Uulanin naman ng protesta ang SONA kung saan tiniyak ng mga militanteng grupo sa pangunguna ng Kilusang Mayo Uno (KMU) na walang makapipigil sa kanila sa paglusob sa Batasan complex upang paalisin umano si Pangulong Arroyo sa puwesto.
Sinabi ng KMU na pipilitin nilang malusutan ang mga police blockades para makalapit sa Batasan at maihayag ang kanilang mga hinaing sa pamahalaan.
Hindi anya dapat maging pangulo si Arroyo dahil lalong magugutom ang mga manggagawat maralita at inutil umano ang kanyang housing program.
Aabot naman sa 5,000 estudyante mula sa ibat ibang kolehiyo at unibersidad ang magtitipon sa UP Diliman campus dakong alas-10 ng umaga at magmamartsa patungong Batasan.
Kinokondena nila ang hindi umano pagtupad ng Pangulo sa usapin ng tuition fee. (Ulat ni Lilia Tolentino/Lordeth Bonilla/Danilo Garcia/Jhay Mejias)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended