^

Bansa

Gobyerno uutang ng halagang US$75M para lang sa pagtatanim ng puno

-
Sa kabila ng napakalaki nang utang ng bansa, panibagong $75 milyon na naman ang hinihiling nito sa Finland para lang sa pagtatanim ng punongkahoy.

Sinabi kahapon ni House Speaker Jose de Venecia na mahalaga ang 10-year reforestation program ng gobyerno dahil layunin nitong taniman ng punongkahoy ang mga kalbong bundok sa Luzon at Visayas.

Ito lamang aniya ang paraan upang mapigilan ang malawakang baha at pagkamatay ng maraming buhay tuwing dumarating ang tag-ulan.

Aabot sa 400,000 ektarya ng lupain sa mga kabundukan ang tataniman ng puno sa loob ng 10 taong programa.

Kabilang dito ang Ilocos Norte at Pangasinan, Zambales at Bataan, Cagayan Valley, Bicol Peninsula, Leyte, Samar at Cebu at ilang bahagi ng Panay island at Mindanao.

Si de Venecia ang humiling sa gobyerno ng Finland para sa nasabing $75 million loan na babayaran sa loob nang 15 taon.

Gagamit umano ng mga modernong makinarya para sa pagtatanim nang nasa 2,500 seedlings sa bawat ektarya ng mga kalbong bundok. (Ulat ni Malou Rongalerios-Escudero)

vuukle comment

AABOT

BICOL PENINSULA

CAGAYAN VALLEY

CEBU

GAGAMIT

HOUSE SPEAKER JOSE

ILOCOS NORTE

MALOU RONGALERIOS-ESCUDERO

VENECIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with