Ito ang reaksyon ni Acting Press Secretary Silvestre Afable sa akusasyon ni Council for Philippine Affairs COPA) secretary general Pastor "Boy" Saycon na kaya umano siya napag-initan ng Pangulo ay dahil sa mga bumubulong dito at nagbibigay ng maling impormasyon.
Sinabi ni Afable na ang Pangulo ay walang "cordon sanitaire" na siyang kumokontrol at nakakaimpluwensiya sa paggawa nito ng desisyon.
Ang paglilinaw ay ginawa ni Afable sa naging pahayag ni Saycon na ilang mga tagapayo ng Pangulo ang responsable sa marami nitong pagkakamaling pulitikal na mismo namang inamin ng Pangulo.
Tinagurian ni Saycon na mga miyembro ng "bulong brigade" ang nagbibigay ng maling impormasyon sa Pangulo kayat siya ay napag-initan na naging dahilan para bitiwan niya ang puwesto bilang director ng Philippine Deposits Insurance Corporation (PDIC).
Partikular na tinukoy ni Saycon si Political Adviser Joey Rufino na siyang nag-iintriga sa kanila ni COPA Chairman Jose "Peping" Cojuangco Jr. (Ulat ni Lilia Tolentino)