Sa isang panayam, noon pang nakalipas na linggo naghain ng courtesy resignation sina DFA undersecretaries Sixto Roxas at Merlin Magallona. Ang dalawa ay inappoint ni Guingona nang siya ay maupo noong Pebrero 2001 sa DFA bilang kalihim.
Bagaman mga co-terminus ni Guingona ang dalawang nabanggit na opisyal ay inihayag ng huli na nagsilbing mga asset ang mga ito.
Ayon kay Guingona, malaking bagay na manatili sina Roxas at Magallona sa DFA subalit niliwanag nito na nasa kanilang dalawa na ang pagpapasya kung mananatili sila sa nasabing kagawaran. (Ulat ni Ellen Fernando)