Sinabi ni Legarda na hindi dapat magmadaling umuwi si Revilla sa pagbubukas ng 2nd regular session ng Kongreso sa July 22 para masiguro lamang ang kanyang attendance sa Senado para sa 12-12 na bilang ng oposisyon at administrasyon. Aniya, kung ipapayo ng doktor na dapat munang mamahinga si Revilla matapos sumailalim sa kanyang operasyon ay dapat sundin niya ito para sa kanyang kaligtasan at maayos na kalusugan.
"Maski kami ang maging minority ay walang problema dun basta masiguro lamang namin na gumaling at ligtas ang aming kasama kaya walang pressure na bumalik agad siya (Revilla). Secondary na ang pulitika dito, buhay ang pinag-uusapan dito at ang kanyang kalusugan," paliwanag ng senadora. (Ulat ni Rudy Andal)