Payo ni Loren kay Revilla:Kalusugan muna bago pulitka
July 7, 2002 | 12:00am
Pinayuhan kahapon ni Senator Loren Legarda-Leviste si Senator Ramon Revilla na unahin nito ang kanyang kalusugan at kaligtasan bago nito intindihin ang pulitika sa Senado. Ito ang naging pahayag ni Sen. Legarda kaugnay sa pag-alis kahapon ni Sen. Revilla upang muling sumailalim sa operasyon sa kanyang vocal chords sa Stanford University Medical Center sa US.
Sinabi ni Legarda na hindi dapat magmadaling umuwi si Revilla sa pagbubukas ng 2nd regular session ng Kongreso sa July 22 para masiguro lamang ang kanyang attendance sa Senado para sa 12-12 na bilang ng oposisyon at administrasyon. Aniya, kung ipapayo ng doktor na dapat munang mamahinga si Revilla matapos sumailalim sa kanyang operasyon ay dapat sundin niya ito para sa kanyang kaligtasan at maayos na kalusugan.
"Maski kami ang maging minority ay walang problema dun basta masiguro lamang namin na gumaling at ligtas ang aming kasama kaya walang pressure na bumalik agad siya (Revilla). Secondary na ang pulitika dito, buhay ang pinag-uusapan dito at ang kanyang kalusugan," paliwanag ng senadora. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended