^

Bansa

23 Pinoy seamen kinidnap ng mga pirata sa Somalia

-
May 23 tripulanteng Filipino ang dinukot ng may 20 armadong hinihinalang mga pirata habang naglalayag sa karagatan ng Somalia sa Africa.

Batay sa ulat na nakarating sa Department of Foreign Affairs (DFA), ang nasabing insidente ay naganap noong nakalipas na Hunyo 15 ngunit hindi agad naihayag sa media.

Galing umano ng Ukraine ang Cypriot-registered vessel na MV Panagia Pinoy na sinasakyan ng mga Filipino crew at patungong India ng masabat ng mga pirata.

Ang barko na may kargang 20,000 hanggang 40,000 tonelada ay nakatakdang dumaong may tatlong milya ang layo sa karagatan ng Somalia.

Batay sa ulat, humihingi ng $500,000 o P25 milyong ransom ang mga kidnappers kapalit ng kalayaan ng nabanggit na mga biktima.

Nabatid na pumagitna na ang United Nations (UN) sa pakikipag-negosasyon kabilang ang ship owner at Cyprus mission sa UN bukod pa sa Phil. Mission sa UN at mga opisyales ng Phil. Embassy sa Nairobi na nagtutulong-tulong para sa paglaya ng mga bihag.

Gayunman, kailangan ng pamahalaan ng Pilipinas ang tulong ng third country para sa pagpapalaya sa mga seamen dahil walang bilateral relations ang Pilipinas sa Somalia.

"We have no direct bilateral relations (with Somalia) so mediation of a third country is resorted to,"ayon pa sa source.

Napag-alaman kay Foreign Affairs spokesman Victoriano Lecaros na kilala na nila ang mga pangalan ng mga Filipino crew subalit hindi muna nila ihahayag ito upang maisiguro ang kaligtasan ng mga hinostage dahil kasalukuyang nasa critical stage na ang ginagawang negotiations.(Ulat ni Ellen Fernando)

BATAY

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

ELLEN FERNANDO

FOREIGN AFFAIRS

GAYUNMAN

PANAGIA PINOY

PILIPINAS

UNITED NATIONS

VICTORIANO LECAROS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with