^

Bansa

Jinggoy idiniin sa jueteng

-
Idiniin kahapon ni Emma Lim sa kanyang testimonya sa Sandiganbayan Special Division si dating San Juan Mayor Jinggoy Estrada na sangkot umano sa ilegal na jueteng.

Sinabi ni Lim sa kanyang testimonya na direkta niyang kinokolekta kay Jinggoy ang tinatayang P3 milyon na umano ay mula sa jueteng. Simula Enero hanggang Marso 1999, tatlong beses umano siyang personal na nagpunta sa opisina ng alkalde sa San Juan para kunin ang tig-P1 milyon.

Cash umano ang ibinibigay sa kanya sa dalawang naunang pagkakataon at isang personal check ni Jinggoy sa United Overseas Bank na may litrato pa nito sa huli niyang pagpunta.

Isinangkot din ni Lim sina Anton Prieto na nakolektahan umano niya nang hindi bababa sa P12 milyon at Rodolfo "Bong" Pineda.

Lahat umano ng pera ay idineposito niya sa personal account ni dating Ilocos Sur Gov. Chavit Singson sa Metrobank Ayala branch.

Sinabi naman ng kampo ni dating Pangulong Estrada na patunay lamang ang testimonya ni Lim na si Singson ang nasa likod ng jueteng operations dahil sa account nito napupunta ang pera. (Ulat ni Malou Escudero)

vuukle comment

ANTON PRIETO

CHAVIT SINGSON

EMMA LIM

ILOCOS SUR GOV

JINGGOY

MALOU ESCUDERO

METROBANK AYALA

PANGULONG ESTRADA

SAN JUAN

SAN JUAN MAYOR JINGGOY ESTRADA

SANDIGANBAYAN SPECIAL DIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with