Pagtakbo ni Guingona sa 2004 dinedma ng Malacañang
June 30, 2002 | 12:00am
Ayaw patulan ng Malacañang ang deklarasyon ni Vice President Teofisto Guingona Jr. na may balak itong sumabak sa 2004 presidential elections.
Ayon kay acting Press Secretary Silvestre Afable, mas gusto ng Palasyo na manahimik na lamang sa banta ni Guingona na tatapatan nito si Pangulong Arroyo sa susunod na eleksiyon.
Pinabulaanan din nito na may mga grupo sa Malacañang na nagnanais na mapatalsik si Guingona bilang kalihim ng DFA. Isang saradong usapin na umano ang nasabing pagkakamali sa Palasyo at hindi na dapat pang pag-usapan.
Sinabi ni Afable na solido ang buong miyembro ng Gabinete ng Pangulo at ang mga naganap na kontrobersiya sa umanoy pagtanggap sa pagbibitiw ng Bise Presidente ay itinuturing na miscommunication lamang sa Palasyo. (Ulat ni Ely Saludar)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest