Oposisyon pinagbintangan
June 29, 2002 | 12:00am
Oposisyon ang gustong pagbintangan ng Malacañang na siyang may kagagawan umano ng palpak na pagsibak kay Vice President Teofisto Guingona bilang Foreign Affairs secretary.
Sa isang panayam kay Presidential Adviser on Political Affairs Joey Rufino, maaaring may motibong destabilisasyon ang nangyari sa pinalabas na sulat ni Pangulong Arroyo na tinatanggap ang pagbibitiw sa puwesto ni Guingona.
Itinanggi ni Rufino na nakita niya ang liham na may lagda ng Pangulo na may petsang Hunyo 26, 2002 na tumatanggap sa inihaing pagbibitiw ng Vice President bilang DFA secretary.
Ang sulat ng Pangulo na may lagda pa niya ayon kay acting Press Secretary Silvestre Afable ay tinanggap ng kanyang opisina mula sa Office of the Executive Secretary.
Tumanggi si Afable na tukuyin kung sino ang nag-abot sa kanya ng sulat na siyang pinagbatayan niya ng paghahayag sa media.
Inako ni Afable ang responsibilidad sa naganap na bulilyaso pero wala anya itong balak na magbitiw sa tungkulin matapos na mapagbuntunan ng sisi.
Subalit isang mapagkakatiwalaang impormante ang naghayag sa PSN na si Guingona mismo ang siyang gumawa ng liham ng Pangulo na tumatanggap sa kanyang pagbibitiw.
Ang impormanteng ito ay naghayag ng pagtataka kung bakit nagbago ng desisyon si Guingona at itinanggi na naghain siya ng berbal na pagbibitiw sa puwesto. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended