Paghahanap sa bangkay ni Sabaya pinatigil ni GMA
June 27, 2002 | 12:00am
Imbes na mag-aksaya ng panahon sa paghahanap sa bangkay ng napatay na si Abu Sayyaf spokesman Abu Sabaya, ipinag-utos ni Pangulong Arroyo na tumutok na lamang ang militar sa pagtugis sa apat pang nalalabing lider ng ASG na sina Khadaffy Janjalani, Isnilon Hapilon, Hamsiraji Marusi Sali at Jainal Antel Sali, Jr.
Bagaman hindi na puspusan ang paghahanap sa katawan ni Sabaya, sinabi ng Pangulo na nananatili ang pagkakaloob ng gantimpalang P50,000 sa sinumang makakatagpo sa labi ng ASG spokesman.
Ikinatuwa naman ng AFP ang tuluyang pagpapatigil sa paghahanap sa labi ni Sabaya.
Sinabi ni ASG operation spokesman ret. Major Gen. Melchor Rosales na tama ang naging desisyon ng Pangulo upang hindi na masayang ang oras ng militar at mapagtuunan na ng pansin ang operasyon upang madakip ang iba pang lider.
Malaki na umano ang pondong nagugugol sa search and retrieval operation na hindi naman kailangan dahil kumbinsido naman ang pamahalaan na patay na ito.
Gayunman, umaasa pa rin ang AFP na lulutang ang bangkay ni Sabaya.
Kamakalawa, ipinagkaloob ng Pangulo kay Gardo Ibrahim ang P5M reward dahil sa mahalagang impormasyon na ibinigay niya sa militar na naging daan para matunton si Sabaya. (Ulat nina Lilia Tolentino at Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 24, 2024 - 12:00am
November 23, 2024 - 12:00am