^

Bansa

Laban kontra PPA paiigtingin

-
Bunga ng pagtanggi ng korte na magpautos ng temporary restraining order (TRO) laban sa purchased power adjustment (PPA), ipinangako ng mga grupong namumuno sa laban kontra PPA na paiigtingin pa nila ang kanilang mga kilos protesta kontra rito at sa lahat ng mga kumpanyang may kinalaman rito.

Ayon kay Alain Pascua, chairman ng Kaakbay at head convenor ng Abolish PPA Movement, lubhang nakalulungkot ang naging desisyon ni Judge Alfredo Flores ng Pasig RTC branch 167 na ibasura ang kanilang petisyon para sa TRO laban sa buwanang pangongolekta ng PPA mula sa mga consumers.

Base sa inilabas na desisyon ni Flores, walang matinding pangangailangan para magpatupad siya ng TRO laban sa koleksiyon ng PPA.

Sinabi ni Pascua na kung pinagbigyan ang kanilang hinihiling na 20 araw na TRO sa PPA, makararanas ng panandaliang lunas ang mamamayan sa buwanang pagbabayad nito. "Lalo lamang dadami ang bilang ng mga grupo, samahan at maging mga indibidwal na susuporta sa aming pagkilos kontra PPA. Sa kasalukuyan ay halos nagkakaubusan na nga kami ng papel na ginagamit sa aming 1 million signature drive sa kalakhang Maynila at karatig pook, ganoon karaming tao ang sumusuporta sa aming laban," pahayag ni Pascua

Dahil umano sa desisyon ng korte, hindi malayong maging nationwide na ang kanilang kilusan dahil bawat Pilipino ay apektado sa isyung ito. (Ulat ni Andi Garcia)

ALAIN PASCUA

ANDI GARCIA

AYON

BUNGA

DAHIL

JUDGE ALFREDO FLORES

KAAKBAY

MAYNILA

PASCUA

PPA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with