Chavit di dapat tawaging 'Bayani ng Norte'

Hindi dapat tawaging "Bayani ng Norte" si dating Ilocos Sur Gov. Luis "Chavit" Singson dahil isang sampal umano para sa mga taga-Ilocos Sur.

Ayon kay Jesus Crispin Remulla, spokesman ng Partido ng Masang Pilipino, maraming mga Ilokano ang naniniwala na si Singson umano ay nagnakaw mula sa kaban ng bayan habang nasa panunungkulan ito. Si Arroyo ay nagtungo sa bahay ng dating gobernador upang personal na batiin ito sa kanyang kaarawan at bansagan na "Hero of the North" si Singson.

Si Singson kasama ang ilan pang opisyal ng Ilocos Sur ay nahaharap sa 5 counts ng graft case kasama na ang plunder sa Office of the Ombudsman.

Sinabi ni Remulla na ang papuring ibinigay ni Arroyo kay Singson ay isang pagpapakita ng kanyang determinasyon na makulong ng tuluyan si dating pangulong Estrada. (Ulat ni Malou Rongalerios-Escudero)

Show comments