Posthumous Award kay Betty
June 21, 2002 | 12:00am
Ginawaran ni Pangulong Arroyo ng Rizal Posthumous Award ang yumaong Betty Go-Belmonte, founding chairman ng mga pahayagang Philippine Star at Pilipino Star Ngayon, kasama ang tatlong iba pang Tsinoy sa seremonya ng pagpaparangal sa 10 Tsinoy Rizal awardees at pitong Tsinoy lifetime achievement awards. Tinanggap ni QC Mayor Feliciano "Sonny" Belmonte ang parangal para sa kanyang butihing kabiyak.
Ito ay bilang pagkilala sa kanilang huwarang pagtataguyod sa kapakanan ng Chinese communities at pagtulong sa pagpapaunlad ng bansa sa pamamagitan ng kanilang mga bokasyon at propesyon.
Ang iba pang binigyan ng posthumous award ay sina Benjamin Chua, dating chairman ng Cathay Pacific Steel, Lawrence Ong at Tan Yu, textile & cotton mills magnate. Kabilang naman sa tumanggap ng Tsinoy Rizal awards sina Ricardo Lee, arts & culture; John Lu Kua, business & enterpreneurship; Jose Dy Tan, community service; Queena Lee Chua, education; Doreen Yu, journalism; Josiah Go, management & finance; Dr. Dy Bun Yok, medicine; Naga City Mayor Jesse Robredo, public service at Perry Ong, science & technology. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am