Hindi naman malayo na dahil sa pagkakaroon ng koalisyon ng NPC sa Lakas-NUCD ay maging runningmate naman ng Pangulo sa 2004 si Danding.
At dahil na rin sa buo ang makinarya ng NPC mula sa municipal, city, provincial at national level ay malaking tulong ito sa kandidatura ni Pangulong Arroyo sa 2004.
Bukod sa PDP-Laban, ang mga miyembro ng Liberal Party, Nacionalista Party, Aksyon Demokratiko, Reporma Party, PROMDI at ilan pang political parties ay mayroon nang working coalition sa Lakas maliban lamang sa mga "hardliners" ng LDP na pinamumunuan ni Sen. Edgardo Angara. (Ulat ni Rudy Andal)