GMA ayaw nang magpa-interview
June 17, 2002 | 12:00am
Pinutol nang ganap ni Presidente Gloria Macapagal Arroyo ang kanyang pakikipagpanayam sa mga mamamahayag nang magpasiya itong kanselahin na ang kanyang lingguhang panayam sa radyo na isinasahimpapawid tuwing Lunes sa Radyo ng Bayan at iba pang pribadong istasyon sa Metro Manila.
Ayon kay Acting Press Secretary Silvestre Afable na pansamantala lang ang pagkansela sa nasabing programa na may interview portion sa Presidente.
Layunin umano ng Presidente na bigyang daan ang tuloy-tuloy na pagbisita nito sa mga lalawigan at doon magbigay ng pahayag sa mga patakarang ipinatutupad ng pamahalaan.
Kaya makakakuha lang ng mga mamamahayag ng kanilang mga balita mula sa arawang press briefing ng Press Secretary o Presidential Spokesman. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended