Abalos sisibakin sa Lakas
June 12, 2002 | 12:00am
Aalisin na bilang kasapi ng administration party Lakas-NUCD si dating MMDA chairman Benjamin Abalos matapos na maitalaga bilang bagong pinuno ng Comelec.
Ayon kay Presidential Political Adviser at Executive Director ng Lakas na si Joey Rufino, hindi maaaring mahaluan ng kulay pulitika ang Comelec at kailangang ilaglag na ni Abalos ang kanyang posisyon sa Lakas-NUCD.
Sinabi ni Rufino na sa kasalukuyan ay tumatayong taga-pangulo ng Mandaluyong chapter at miyembro ng executive committe ng NCR ng Lakas si Abalos.
Ipinaliwanag ni Rufino na ang layuning ito ay upang maalis ang anumang pagdududa na may kinikilingang partidong pulitikal si Abalos at hindi malagay sa alanganin ang kredibilidad ng Comelec.
Kasabay nito, inihayag ni Rufino na nakausap na ni Abalos ang magkalabang paksiyon sa Comelec at inaasahang mapag-iisa nito ang komisyon.
Naniniwala naman ang mga senador na hindi mahihirapan sa Commission on Appointments para sa kanyang kumpirmasyon (CA) si Abalos.
Umaasa ang Senado na malulutas na ang sigalot sa Comelec partikular ang kontrobersiya ukol sa Comelec projects na may kinalaman sa computerization at modernization ng electoral process.
Samantala, kumakalat naman ang balita sa Malacañang na itatalaga bilang mahistrado ng Korte Suprema si dating Comelec chairman Alfredo Benipayo. Sakaling hirangin ng Pangulo, sinabi ni Rufino na kuwalipikado si Benipayo.
May isang bakanteng puwesto ngayon sa SC matapos na magretiro si Justice Jose Melo. (Ulat ni Ely Saludar)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest